Maaaring itaas muli ng pamahalaan ang community quarantine classification kung ang critical healthcare capacity ay umabot na sa danger level sa gitna ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Pero sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na nananatiling sapat ang healthcare capacity para mabigay ng karampatang pag-aalaga sa mga pasyenteng tinamaan ng viral disease.
Para maalalayan ang healthcare capacity sa Metro Manila, gagamitin na rin ang ilang healthcare facilities sa ibang katabing rehiyon para tumanggap ng mga pasyente.
Ang Metro Manila at siyam na lugar sa bansa ay nasa ilalim ng mahigpit na general community quarantine habang ang nalalabing bahagi ng bansa ay nasa modified GCQ.
Inaasahang magpupulong ang government pandemic task force para pag-usapan ang rekomendasyon sa susunod na ipapatupad na quarantine status para sa buwan ng Abril.
Una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na handa niyang luwagan ang quarantine classification lalo na at umuusad na ang immunization program.