Wala pang nakikitang pangangailangan ang Philippine National Police o PNP para magkaroon ng quarantine facility para sa lahat ng mga pulis na patient under monitoring (PUMs) at patient under investigation (PUIs) dahil sa COVID-19.
Ayon kay PNP Spokesperson Brigadier General Bernard Banac, mahigit anim na raan lang ang mga pulis na ikinokonsiderang PUM at PUI na karamihan ay naka-home quarantine.
Pero kung mayroon naman daw pangangailangan gagamitin ng PNP ang PNP General Hospital sa Camp Crame.
Sinabi ni Banac, may nakahandang lugar ang PNP General Hospital para sa mga pulis na kailangan gamutin dahil sa COVID-19 ngunit mangangailangan sila ng tulong mula sa ibang mga government hospitals.
Una nang inihayag ng PNP na mayroong 615 na pulis na PUMs at 45 na PUIs dahil sa COVID-19.