Quarantine measures sa NCR, posibleng nang luwagan pagkatapos ng May 15

Nagpahiwatig ang Department of Interior and Local Government na posibleng isailalim na lang sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila pagkatapos ng May 15.

Ayon kay DILG Under Secretary Jonathan Malaya, ipinapakita ng COVID-19 data sa Metro Manila na maaari nang luwagan ang quarantine sa NCR.

Bumaba na rin aniya ang bilang ng mga lumalabag sa ECQ.


Gayunman, ikinokonsidera pa rin ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang critical care infrastructure ng mga ospital at patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

Kaya paliwanag ni Malaya, maaari maiwan sa ilalim ng ECQ ang ilang bahagi ng NCR tulad ng Quezon City na siyang may pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.

Facebook Comments