Quarantine protocols, mahigpit pa ring ipapatupad ayon sa PNP

Patuloy na maghihigpit ang Philippine National Police (PNP) sa pagpapatupad ng quarantine protocols kaugnay sa nararanasang COVID-19 pandemic.

Pahayag ito ng PNP matapos ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na arestuhin ang mga pasaway na makikitang hindi nagsusuot ng face mask, face shield at laging nagkukumpulan.

Ayon kay outgoing PNP Chief Pol. Gen. Debold Sinas, lahat ng minimum public health standard na itinakda ng Inter-Agency Task Force o IATF ay kanila pa ring ipinatutupad para maiwasan ang pagkalat ng virus.


Bukod aniya rito, napakahalaga rin ang pagkakaroon ng disiplina ng bawat Pilipino bilang pag-iingat.

Sinabi ni Sinas na ang pagtutulungan ng pamahalaan at publiko ang susi para malabanan ang pagkalat ng COVID-19.

Facebook Comments