Maaaring luwagan ang quarantine classifications sa bansa kapag inilunsad na ng pamahalaan ang COVID-19 immunization program.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, mapapababa ng vaccination efforts ang bilang ng COVID-19 cases.
Kapag nakita ang unti-unting pagbaba ng mga kaso hanggang sa maabot ang herd immunity ay ito ang magiging batayan para dahan-dahang ibaba ang quarantine restrictions.
Bukod sa case number, kabilang din sa pinagbabasehan ay ang virus attack rate, growth rate at healthcare capacity.
Sa ngayon, nilinaw ni Nograles na wala pang naitatakdang “new normal” classification o ang classification na mababa sa modified general community quarantine (MGCQ).
Facebook Comments