Quarantine restrictions, nakatulong para mapababa ang COVID-19 cases – NTF adviser

Naniniwala ang isang medical adviser na malaking bagay ang quarantine restrictions para hindi na tumaas pa ang kaso ng COVID-19.

Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Medical Adviser Dr. Ted Herbosa, nakatulong sa pagbaba ng kaso ang quarantine dahil napigilan nito ang paggalaw ng mga tao.

Gayunman, kailangan pa rin aniyang mag-ingat ang publiko sa mga variant ng COVID-19 na nagpapataas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.


Kasabay nito, nagbabala si Herbosa laban sa bagong variant na nadiskubre sa Vietnam na kasing bangis ng Indian variant.

Facebook Comments