Quarantine restrictions, unti-unting luluwagan kasunod ng vaccine rollout – Galvez

Asahang luluwagan na ang quarantine restrictions sa bansa ngayong isinasagawa na ang COVID-19 vaccination program.

Ayon kay Vaccina Czar Carlito Galvez Jr., ang modified general community quarantine (MGCQ) ay maaaring ipatupad sa buong bansa.

Ang face-to-face classes naman ay maaaring isagawa sa Mayo o sa second quarter ng taon.


Nais din ng Pangulong  Rodrigo Duterte na magkaroon ng dalawang milyong stand by na COVID-19 doses para matiyak na nagpapatuloy ang inoculation.

Matatandaang sinabi ng Pangulo na posibleng magbalik normal na ang bansa pagsapit ng 2023.

Facebook Comments