Quarantine status ng NCR plus Bubble para sa buwan ng Mayo, dedesisyunan sa Martes ng IATF, ayon kay DOH Spokesperson Usec. Vergeire

Dedesisyunan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa Martes, April 27 ang magiging quarantine status ng NCR plus Bubble para sa buwan ng Mayo.

Ito ay kinumpirma ni DOH Spokesperson Usec. Maria Rosario Vergeire sa Laging Handa public press briefing.

Ayon kay Usec. Vergeire, nagpulong na aniya ang mga eksperto at inilatag ang posibleng mangyari sa mga susunod na linggo.


Dagdag pa niya, nasa desisyon na ng IATF kung susundin ang rekomendasyon ng UP-OCTA Research Team na panatilihin pa ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) at huwag munang ibaba sa General Community Quarantine (GCQ) ang NCR plus Bubble.

Ito ay sa kabila ng bahagyang pagbaba na ng kaso ng COVID-19 sa bansa matapos ang mga ipinatupad na mahigpit na quarantine status sa nakalipas na ilang linggo.

Sinabi pa ni Vergeire, tinitimbang ng IATF ang aspetong pangkalusugan at ekonomiya kaya masusing pinag-aaralan ang tamang aksyon para sa mga darating na araw.

Facebook Comments