Quarantine status sa NCR, dapat muling higpitan – OCTA

Nanawagan ang OCTA Rearch na higpitan muli ang quarantine status sa National Capital Region (NCR) dahil sa peligrong dala ng Delta variant.

Sa statement, sinabi ng OCTA group na kailangang palakasin ng national at local government officials ang testing at contact tracing efforts.

Babala nila, ang pagpapatupad ng general community quarantine (GCQ) ay hindi sapat para pigilan ang panibagong surge ng virus lalo na sa NCR.


Mahalagang matuto ang pamahalaan mula sa ibang bansa na hindi nakontrol ang surge dahil sa huli na ang ginawang aksyon.

Dapat magpatupad ng localized at regional lockdown na may pinalakas na testing at tracing bago ito humantong sa katakot-takot na surge.

Facebook Comments