Quarrying operations sa bundok ng Sierra Madre, dahilan ng matinding pagbaha sa lalawigan ng Bulacan

Nababahala ngayon ang lokal na pamahalaan ng San Miguel, Bulacan sa posibleng sapitin pa nila sa mga susunod na panahon kapag hindi nahinto ang quarrying operations sa bundok ng Sierra Madre.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni San Miguel Mayor Roderick Tiongson na ang talamak na quarrying operations sa bundok ng Sierra Madre ang nakikita nilang dahilan kung bakit nalubog sila sa matinding baha o ang 49 na barangays sa kanilang bayan makaraang manalasa ang Bagyong Karding.

Nakalulungkot aniya na may limang rescuers ang nasawi dahil sa matinding pagbaha.


Umaasa si Mayor Tiongson na magsisilbing aral ang pangyayaring ito para pangalagaan ang kalikasan at kabundukan.

Sinabi pa ng Alkalde, kung hindi dahil sa bundok ng Sierra Madre, malamang direkta at buong-buong tumama ang Bagyong Karding sa lalawigan ng San Miguel.

Kaya pakiusap na lamang ni Mayor Tiongson sa publiko at sa mga kapwa niya lokal na pamahalaan na sana ay protektahan hindi lamang ang bundok ng Sierra Madre kundi ang iba pang kabundukan sa buong bansa na siya aniyang magsasalba sa maraming buhay at ari-arian kapag may tumamang matinding kalamidad sa bansa tulad ng malakas na bagyo.

Facebook Comments