Ilang korte sa Nueva Ecija, napinsala ng Bagyong Karding

123

Nakatanggap na ang Korte Suprema ng partial report mula sa mga hukuman na dinaanan ng Bagyong Karding.

Batay sa report ni Office of Court Administrator Raul B. Villanueva, walang matinding pinsala na tinamo ang mga hukuman sa mga lugar na tinamaan ng super typhoon.

Maliban lamang sa ilang korte sa Nueva Ecija kabilang na ang Cabanatuan City na kailangang i-repair dahil sa pinsala ng bagyo.


Tiniyak naman ng Office of Court Administrator na pabibilisin ang pag-repair sa mga hukuman upang hindi maabala ang operasyon ng mga korte.

Facebook Comments