Cauayan City, Isabela – Dumaan muna sa matinding balitaktakan at palitan ng argumento bago pumasa sa ikatlo at huling pagbasa ang quarry ordinance sa bayan ng San Mateo, Isabela.
Nakapaloob ng ordinansang inakdahan ni SB Member Jonathan “Neil” Galapon ang pagbuo ng quarry task force na magsisilbing tagapagbantay sa lahat ng quarrying activities sa nasabing bayan.
Dagdag pa ni SB Galapon na layunin din ng kanyang batas na singilin ang lahat ng dump trucks o anumang uri ng sasakyang pumapasok sa kanilang bayan.
Ibig sabihin nito, kinakailangang magbayad muna ang mga quarrying operators ng isang libo sa pamahalaang panlalawigan.
Ang delivery receipt mula sa provincial government ang magsisilbing patunay na nakapagbayad na ang mga ito.
Kapag pirmado na ang ordinance na ito ay maipapatupad na ang no delivery receipt, no exit policy.
Samantala, pinasalamatan ni SB Galapon ang kanyang kasamahan sa majority na sina SB Michael Ramones, Arvin Barangan, Jona Paranas, Alan Cabacugan at LMB President Edwin Fermin na supuporta sa ordinansang ito.
Matatandaang hinarang ng minorya second hearing ang ordinansang ito dahil umano sa halagang babayaran.
Ikinatakot ng minorya na baka ipapabalikat sa consumers ang halagang sisingilin sa mga quarying operators.
Tag: LGU San Mateo,98.5 ifm cauayan, ifm cauayan, cauayan city, isabela, luzon, Neil Galapon, San Mateo, Isabela, LGU Isabela