Nakatakdang gagawin ngayong araw Hulyo 12 ng Department of Agriculture (DA)9 ang Quarterly Information Caravan hinggil sa Rice Commodity Program.
Layunin ng Rice Information Caravan na mabigyan ng kaalaman ang publiko hinggil sa kahalagahan ng produksyon ng palay sa isang lugar.
Kaugnay nito, ang tanggapan ni Dipolog City Agriculturist Engr. Jose Kerr N. Porlas ay nanawagan ngayon sa mga rice farmers na dumalo sa nasabing aktibidad.
Ayon kay Porlas, layunin nito na matulungan ang mga magsasaka kung paano mapalago ang produksyon ng palay.
Tags: Mindanao, Dipolog, DXDR, DXDR 981, Derecho Balitang Dipolog, Kasamang Mardy D. Libres, Quarterly Information Caravan ng DA-9 nakatakdang gagawin ngayon sa Dipolog
Facebook Comments