Aabot sa mahigit 1,000 mangingisda ang maaapektuhan ang hanapbuhay kapag itinuloy ang reclamation project sa baybayin ng Dumaguete City.
Pahayag ito ni Leodegario Rosales, co-convenor ng #NoTo174DumagueteCoalition.
Ayon kay Rosales, sa isinusulong na proyekto, nalabag din ang luma at bagong Private Public Partnership Code sa Dumaguete City tungkol sa transparency sa sa mga proyekto.
Ani Rosales, nalaman na lamang ng mga taga-Dumaguete na ang city council at ang mayor ay nagbigay na ng authority para mapirmahan iyong joint venture agreement na kalaunan ay ginawang memorandum of understanding sa pagitan ng Dumaguete City at ng EM Cuerpo Inc.
“Yung transparency because yung old and new PPP (private public partnership) code ng Dumaguete City may ordinance tayo doon in how to handle kung may ganoon tayong partnership. So, both the old, kapwa yung luma saka bagong PPP code nagsasabi na dapat may mechanism for transparency from project inception, magsisimula pa lamang, meaning pagtanggap ng city ng proposal hanggang sa implementation po. So yun ang hindi nagawa kasi nalaman na lang ng mga taga-Dumaguete na ang city council namin ay nagbigay, yung mayor namin ay nagbigay ng authority para mapirmahan iyong joint venture agreement na kalaunan ay ginawang memorandum of understanding between Dumaguete City at ng EM Cuerpo Inc. Ito yung una talagang kung nag-ano yung mga taga Dumaguete,” ani Rosales.
Sinabi rin ni Rosales na kapag itinuloy ang proyekto ay matatabunan ang coastline at masisira ang ibang lugar.
Aniya ,geological hazard ang proyekto ,ang project kasi matatabunan ang coastline at nabalitaan din nila sa mga kalapit na bayan ng Dumaguete kukuha ng panambak.
Maaapektuhan din ang livelihood ng nasa 1,000 registered local fishermen at nasa 200 spear fishers.
Maliban sa hanapbuhay ng mga mangingisda ay maaapektuhan din food security sa lungsod dahil sa halip na sa local fishers kukuha ng makakain ay sa ibang bayan or probinsya pa bibili ng makakain.
Sinabi ni Rosales na nakahanda silang magsampa ng kaso sakaling patuloy na igiit ang pagsusulong ng proyekto.