Aabot sa 9.2 milyong kilo ng basura kada araw ang nahahakot sa buong Metro Manila kung saan pinakamarami ay mula sa lungsod ng Quezon.
Sa listahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) nasa 3,600 toneladang basura ang nakukuha sa lungsod kada araw.
Sinundan ito ng Maynila – 1,174 tons per day; Caloocan – 912 tons; Parañaque – 634 tons at Makati – 474 tons per day.
Paliwanag ni DENR Undersecretary Benny Antiporda – pinakamaraming basura ang nahahakot sa Quezon City dahil na rin sa laki nito at dami ng mga informal settlers.
Habang nasa Maynila naman ang lahat ng paninda kaya malaki rin ang produksyon nila ng basura.
Ayon sa MMDA – 85% lang ng mga basurang galing sa Metro Manila ang nadadala sa sanitary landfills.
Nanawagan naman ang mga otoridad sa publiko na itapon nang tama ang basura na isa sa mga dahilan ng pagbabaha sa Metro Manila.