Quezon City Government itinatag ang joint monitoring center para ma-monitor ang supply ng tubig

Nagtatag na rin ng joint monitoring center ang Quezon City Government upang mamonitor ang  supply ng tubig  sa mga lugar na apektado pa ng water crisis.

Nais lang makatiyak ng Local Government Unit (LGU) na may nagrarasyon ng tubig sa mga residente sa kabila na hindi pa ganap naibabalik ang normal na supply sa mga barangay na nakaranas ng problema nitong mga nagdaang araw.

Ang hakbang ng QC Government ay alinsunod sa pahayag ng Manila water na may problema  pa rin ang supply ng tubig sa ilang lugar sa Quezon City at Mandaluyong City .


Itoy kahit na unti unti nang naibalik  ang supply ng tubig sa 80 porsiyento ng customers  ng Manila water sa Metro Manila at kalapit lalawigan.

Base sa datus ng Manila Water mahigit sa   285,000 households sa 82 sa kabuuang 142 Barangays sa QC ang naapektuhan ng krisis sa tubig.

Habang  hindi pa nanunumbalik ang normal na supply ng tubig magrarasyon muna  ang 18 Fire Stations ng Quezon City Fire District sa mga apektadong Barangay.

Base sa reading ng lebel ng tubig sa La Mesa Dam kaninang alas 5 ng umaga itoy nasa 68.69 meters na mas mababa sa normal water elevation nito.

Facebook Comments