Quezon City Government, nagdagdag pa ng quarantine facility para sa tumataas na bilang ng kaso ng COVID-19

Nagdagdag pa ng quarantine facility ang lokal na pamahalaan ng Quezon City sa Barangay San Bartolome sa Novaliches.

Kasunod ito ng pagdami ng kaso ng COVID-19 sa nasabing barangay.

Kaya ng pasilidad na maka-accommodate ng 150 pasyente.


Bukod dito naglagay na rin ng hiwalay na quarantine facility ang local government unit (LGU) para sa mga Persons Deprived of Liberty sa Novaliches.

Base sa pinakahuling ulat, umabot na sa 40 ang mga lugar na naka-lockdown sa lungsod.

Pinakahuling nadagdag ang number 24 Harvard St. sa Barangay Soccoro at number 88 Magnolia St. Barangay Roxas.

Ilan sa mga lugar na nasa ilalim ng lockdown ang binisita ni Mayor Joy Belmonte at inalam ang kondisyon ng mga residente at tiniyak ang suplay ng pagkain mula sa lokal na pamahalaan.

Facebook Comments