
Nagpamahagi ang Quezon City Local Government Unit ng mga bagong logistical equipment para sa Quezon City Police District (QCPD).
Kasama sa mga ibinigay ng pamahalaang lungsod ang mga drones, computer sets na may kasamang printers, cellphones, megaphones, generator set, kapote, at iba’t-ibang Search and Rescue (SAR) gear kagaya ng go bags, helmets, at life vests.
Ang mga nasabing bagong assets ng QCPD ay layong mapalakas pa ang epektibidad sa law enforcement operations, emergency response, at administrative services ng ahensya.
Kaugnay nito, nakapag-turnover na rin ang QCPD ng mga desktop computers, printers, AVR units, keyboards, at mice sa Cubao Police Station, Anonas Police Station, at Kamuning Police Station.
Samantala, nagpahayag naman ng pasasalamat si QCPD Acting District Director PCol. Randy Glenn Silvio sa patuloy na suporta ng pamahalaang lungsod sa mga kapulisan.









