Quezon City Govt, nagdagdag na ng mga buses sa Commonwealth tuwing rush hour

May dagdag na 30 buses ang bumibiyahe na sa kahabaan ng Commonweath  Avenue kapag rush hour.

Bukod sa mga pampasaherong bus ay mayroon ding mga units mula sa Quezon City Government at MMDA ang bumibiyahe para maisakay lamang ang maraming pasahero na nag-aabang.

Libre ang pamasahe sa LGU buses bukod pa sa 50 angkas motorcycle at 60 UV Express na nagbibigay rin ng libreng sakay.


Ayon kay Quezon City Task Force on Transportation and Traffic Management Chief Attorney Ariel Inton, ang karagdagang sasakyan sa Commonwealth area ay tugon ni Mayor Belmonte sa kanyang kahilingan na tulungan ang mga pasahero kapag rush hour sa umaga.

Aniya, abot sa 30,000 pasahero ang makikinabang sa libreng sakay ngayon.

Malaking kabawasan ito sa volume ng pasahero na isa sa nagpapabigat ng daloy ng trapiko sa Commonwealth Avenue.

Facebook Comments