Nasungkit ng Quezon City ang Top 3 All Categories sa ginanap na 10th Cities and Municipalities Competitiveness Awarding Ceremony.
Mula sa mga nagtunggaling highly urbanized cities, nakuha ng QC LGU ang first place sa Innovation category; ikalawa naman sa Economic Dynamism, Government Efficiency, Infrastructure, and Resilience.
Nakuha rin ng QC ang award para sa overall Most Competitive Highly Urbanized City.
Ang Cities and Municipalities Competitiveness Summit ay isang annual ranking ng Philippine cities at municipalities na binuo ng National Competitiveness Council sa pamamagitan ng Regional Competitiveness Committees sa tulong ng United States Agency for International Development.
Ang rankings ay base sa five pillars ng Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI) tulad ng Economic Dynamism, Government Efficiency, Infrastructure, Resilience, at Innovation.
Ang awards na nakuha ng QC LGU ngayong taon ay patunay lamang ng mahusay na good governance ni QC Mayor Joy Belmonte.