Quezon City LGU, hihingi ng opinyon sa mga health experts kaugnay sa pagpabababa ng age restrictions

98

Sinabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na hihingi siya ng opinyon sa mga health experts kaugnay sa pagpapababa ng age restrictions sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).

Aniya, pag-uusapan ng mga Metro Manila Mayors ang naturang isyu sa kanilang susunod na pulong.


Matatadaan na inanunsyo ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque na makalalabas na ang nasa 10 hanggang 65-anyos sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) na epektibo sa Pebrero 1.

Facebook Comments