Naabot na ng lokal na pamahalaan ang mataas na recovery rate sa mga COVID-19 patient.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, nakapagtala sila ng karagdagang 218 recoveries dahilan upang mapataas pa ang recovery rate sa 90% mula sa 81% noong September 30, 2020.
Sa kabuuang bilang na 21,543 COVID-19 cases na validated ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit at District Health Offices, 19,363 dito ang gumaling na.
May natitira pang 1,576 cases o 7% ang aktibong kaso at nagpapagaling pa.
Sinabi ni Belmonte na senyales umano ito na nagiging epektibo ang ginagawang pagkilos ng pamalahaang lokal laban sa nakamamatay na virus.
Ang mga pagbabagong ito ay magbibigay inspirasyon sa mga frontliners para mas paigtingin pa ang kanilang trace-test-isolate-treat approach laban sa virus.
At ang kooperasyon ng publiko ang higit na kailangan upang mapahusay pa ang recovery rate sa lungsod.