Naitala sa Quezon City ang pinakamataas na kaso ng Dengue sa Metro Manila.
Ayon sa Department of Health (DOH), nakapagtala na sila ng higit 3,000 kaso ng Dengue.
Paliwanag ng ahensya, ang malaking populasyon ng QC ay isa sa dahilan.
Sa ngayon, lagpas 10,000 Dengue cases na ang naitala sa Metro Manila mula nitong Enero 2019, mababa kumpara sa 11,000 cases na naitala noong nakaraang taon.
Ang pagsasagawa ng clean up drives at defogging ay nakakatulong para mabawasan ang insidente ng Dengue.
Facebook Comments