Quezon City, muling nanguna sa mga lungsod sa NCR na nakapagtala ng pinakamataas na bagong kaso ng COVID-19

117

Nangunguna pa rin Quezon City sa mga lungsod sa National Capital Region (NCR) na nakapagtala ng pinakamataas na bilang bagong kaso ng COVID-19.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH), nakapagtala ang QC ng 64 na bagong kaso; mas mababa ito kumpara sa naitala kamakalawa na 66.

Samantala, narito naman ang naitalang bagong kaso ng sakit sa iba pang mga lungsod sa Metro Manila:


Manila – 44
Makati 43
Parañaque – 30
Pasig – 24
Mandaluyong – 21
Pasay – 20
Las Piñas – 17
Taguig – 14
San Juan – 9
Muntinlupa – 8
Caloocan – 4
Marikina – 3
Malabon – 2
Valenzuela – 1

Habang kapwa walang naitalang bagong kaso ng COVID-19 ang lungsod ng Navotas at bayan ng Pateros.

Kumakatawan ang NCR sa 304 ng kabuuang 593 new COVID cases na naitala sa buong bansa kahapon.



Facebook Comments