Quezon City, nakapagtala ng pinakamaraming COVID-19 vaccine doses na naiturok sa loob ng isang araw

Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga nababakunahan sa lungsod ng Quezon.

Nakapagatala ang Quezon City Health Department ng record breaking high kung saan sa loob ng isang araw, nabakunahan nila ang 16,649 na residente at manggagawa.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, ito ay dahil sa pagdadagdag ng COVID-19 facility at matagumpay na paghimok sa publiko.


Pinuri rin niya ang mga health workers, staff, volunteers, mga barangay officials na siyang nanguna para maisakatuparan ang pagbabakuna mula A1 hanggang A3 priority group.

Umaasa ang alkalde sa kooperasyon ng lahat para maabot ang target na herd immunity sa Quezon City.

Facebook Comments