Nanguna ang Quezon City sa mga lungsod sa National Capital Region (NCR) na nakapagtala ng pinakamaraming bagong kaso ng COVID-19 kahapon.
Ito ay matapos maitala ang 66 na bagong kaso sa naturang lungsod.
Pumangalawa naman ang Pasig City na mayroong 40 cases na sinundan ng lungsod ng Maynila na 38 habang 26 naman sa Makati.
Nasa 21 na bagong kaso naman ang naitala sa Parañaque, 18 sa Mandaluyong, 17 sa Taguig, 16 sa Las Piñas at 11 sa Muntinlupa.
Mas mababa sa 10 bagong kaso ng COVID-19 naman ang naitala ng mga sumusunod na lungsod:
Marikina at Pasay – 7
Caloocan – 5
San Juan, Valenzuela at Pateros – 3
Malabon – 1
Habang walang naitalang bagong kaso ng virus sa Navotas.
Mababatid na nasa 539 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa kahapon kung saan 282 rito ay mula sa NCR.