Quezon City, nangunguna pa rin sa mga lungsod sa bansa na may pinakamataas na naitalang bagong kaso ng COVID-19

Nangunguna pa rin ang Quezon City sa mga lungsod sa bansa na nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng bagong kaso ng COVID-19.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH), nasa 165 ang naitalang kaso sa lungsod na sinundan naman ng Davao City na may 93 na bagong kaso.

Sinundan naman ito ng lungsod ng Maynila na may 86 new cases habang kapwa nakapagtala ng 64 na bagong kaso ang mga lungsod ng Makati at Pasig.


Samantala, narito ba ang iba pang lungsod sa bansa na nakapagtala ng mataas na bilang ng new cases ng COVID-19:

Baguio City at Mandaluyong – 43
Taguig – 42
Parañaque – 41
Zamboanga City – 38
Las Piñas – 34
Caloocan – 32
Marikina at Pasay – 30
Valenzuela at Cebu City – 29
Iloilo City – 28
Muntinlupa – 26
Bacolod – 25

Facebook Comments