Quezon City, pang-anim na may pinakamababang attack rate ng COVID-19 sa NCR ayon sa OCTA Research

Bagama’t halos punuan na ang mga ospital sa Quezon City ng mga COVID-19 patients, lumilitaw na pang-anim ito sa may mababang infection rate sa Metro Manila.

Base sa report ng OCTA Research Group, ang Quezon City ay may average na 15 Coronavirus disease kada araw o katumbas ng 411 cases mula March 9 hanggang 15.

Sa kabila na halos 3 million ang residente sa Quezon city, nanatili ito sa 12th spot na mayroon lang 13.16 attack rate kada 100,000 tao.


Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research Group, kinakailangan pa ring mahigpit na i-monitor ang kada araw na naidadagdag at matiyak na mga mismong residente ang mga ito upang maayos na matunton ang mga infection.

Ayon naman kay Mayor Joy Belmonte, bagama’t nagpapakita ng pagtaas ng kaso sa lungsod, hindi naman nagpapabaya ang city health department at patuloy na pinalalawak ang COVID-19 efforts.

Mula March 6 hanggang 13, nakatukoy ang contact tracing army ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CEDSU) ng kabuuang 16,133 na COVID-19 contacts.

Ito umano ay malaking pagtaas kung ikukumpara sa naitalang 13,000 mula February 27 hanggang March 5.

Facebook Comments