Senator Binay, walang planong kumandidto sa mas mataas na posisyon

Nagpasalamat si Senator Nancy Binay sa mga convenor ng 1Sambayan sa pagkonsidera sa kanya para suportahang kumandidato sa mas mataas na posisyon sa 2022 elections.

Pero diin ni Binay, hindi sya tatakbo sa pagkapangulo o pagka-ikalawang pangulo at patuloy siyang maglilingkod sa bayan bilang Senador.

Ayon kay Binay, malupit ang pulitika at palaging ang pamilya ng mga politiko ang naaapektuhan kaya bilang ina ng apat na anak ay hindi niya hahayaang maging target uli sila ng wala sa katwirang mga atake at kasinungalingan.


Sabi ni Binay, hindi niya gustong makaladkad muli ang kaniyang pamilya sa madilim na bahagi ng kanilang buhay na parang sila na yata ang pinakamasamang nilalang sa buong universe.

Kaugnay sa paparating na eleksyon ay hangad naman ni Binay na maging mas maayos pa ang Pilipinas.

Sa pamamagitan aniya ito ng pagkakaroon ng mga leader na may malinis na track record, may matuwid na paninindigan at may malinaw na plano para tugunan ang mga problema ng bansa.

Facebook Comments