Quezon City Police District, nagsasagawa na ng imbestigasyon sa nangyaring pagpatay sa isang opisyal ng B.I.R.

Manila, Philippines – Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang Quezon City Police District matapos mapatay sa pamamaril ang isang opisyal ng Bureau of Internal Revenue sa West Avenue, Quezon City.

Kinilala ng kaniyang mga kasamahan ang biktima na si Albert Enriquez, Chief ng Assessment Division ng BIR Revenue District number 38.

Kabababa lamang ng kaniyang sasakyan ang biktima ng nang barilin siya sa ulo ng hindi nakilalang suspek.


Mabilis na tumakas ang gunman sakay ng motorsiklo na minamaneho naman ng kaniyang kasamahan.

Hindi naman masabi ni BIR District 28 Director Marina De Guzman kung may kinalaman sa trabaho ang nangyaring pagpatay sa kaniyang tauhan.
DZXL558

Facebook Comments