Quezon City Rep. Kit Belmonte, nagbitiw na rin bilang Secretary General ng Liberal Party

786

Nagsumite na rin ng kanyang ‘courtesy resignation’ si Quezon City Rep. Christopher ‘Kit’ Belmonte bilang Secretary General ng Liberal Party.

 

Ito ang kinumpirma ni Belmonte matapos ding i-anunsiyo ni Senator Francis Pangilinan ang kanyang pagbibitiw bilang Pangulo ng naturang partido.


 

Sa text message na ipinadala ni Belmonte, sinabi nitong myembro pa rin sila ng LP.

 

Aniya, ang pagbibitiw naman ni Pangilinan ay nagpapakita na marangal na tao ang senador at ang hakbang ay bahagi ng ‘command responsibility’ dahil sa pagkatalo ng senatorial candidates ng Otso Diretso noong May 13 elections.

 

Tiniyak naman ni Belmonte na back to work sila sa Kongreso matapos ang kanilang pagbibitiw sa posisyon sa partido.

 

Ang kongresista ay isa sa 18 kandidato mula sa LP na makakakuha ng puwesto sa papasok na 18th congress.

Facebook Comments