Karambola ng Dalawang Motorsiklo at SUV, 2 Katao Sugatan!

67

*Cabatuan, Isabela-* Sugatan ang dalawang lalaki lulan ng kani-kanilang motorsiklo sa naganap aksidente sa Brgy. Diamantina, Cabatuan, Isabela ganap na 11:50 kahapon ng umaga.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Cabatuan Poliice Station, binabaybay ni Francisben Sanchez, 21 anyos, may asawa, isang laborer at residente ng Brgy. Arabiat, Echague, Isabela ang kanang bahagi ng kalsada lulan ng kanyang motorsiklo patungo sa bayan ng Cabatuan nang aksidente itong bumangga sa kasalubong na motorsiklo na minamaneho naman ni Mark Drexler Pascual, 23 anyos at residente ng Brgy. San Isidro, Luna, Isabela.


Tumilapon sa kaliwang bahagi ng kalsada si Sanchez kung kaya’t bumangga din ito sa kasalubong na pribadong sasakyan na minamaneho naman ni Matthew Chadya-As, 34 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Liwan, Rizal, Kalinga.

Agad namang rumesponde ang Cabatuan Rescue sa pinangyarihan ng aksidente at agad dinala ang mga biktima sa pinakamalapit na pagamutan para sa paunang lunas.

Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya at inaaalam ang kabuuang pinsala sa nangyaring aksidente.

Facebook Comments

From Advertisers