Tumanggap ng “Hall of Fame” recognition ang Quezon City LGU makaraang kilalaning top revenue collector ng 2021 sa buong bansa kung saan nakakolekta ng P22.9 billion sa buwis noong 2021.
Kinilala rin ang QC bilang Hall of Famer sa ilalim ng special category ‘Local Revenue Generation Hall of Fame’ makaraang manguna ulit sa tax collection sa hanay ng mga lungsod sa buong bansa mula 2018 hanggang 2020.
Ang nalikom na pondo ng QC ay mula sa real property tax, business tax at iba pang buwis tulad ng amusement, transfer, at contractors at iba pa.
Ayon kay QC Treasurer Ed Villanueva, nakatulong dito ang streamlining efforts ng QC nang gamitin ang online QC E-Services at pagtatayo ng satellite offices para sa tax payment na nakatulong para mapadali at maengganyo ang higit pang mga negosyante na bayaran ang kanilang obligasyon.
Nakatulong din ang desisyon ni Mayor Belmonte na gawing staggered payment ang paraan ng pagbabayad ng mga underdeclared at undeclared business taxes sa halip na maglapat ng mabigat na penalty.