DOJ, dumepensa sa pagpapatigil ng NBI sa pag-operate sa mga dinukot na POGO employees

39

Dumepensa si Justice Sec. Jesus Crispin Remulla sa kautusan nito sa National Bureau of Investigation (NBI) na itigil ang kanilang operasyon sa mga kinidnap na POGO employees.

Ayon kay Remulla, nagpalabas siya ng nasabing kautusan dahil wala namang umaabot na kaso sa korte, sa mga ginagawang operasyon ng NBI.

Iginiit ng kalihim na nagtataka siya dahil tama naman ang naging mga operasyon ng NBI agents pero walang mga kasong naisasampa sa korte.


Duda ang kalihim na posibleng nagkakaroon ng aregluhan ang mga biktima at mga suspek kung saan nagagamit naman ang pamahalaan.

Facebook Comments