Quezon City, zero casualty sa pananalasa ng Bagyong Ulysses

Ikinalugod ni Mayor Joy Belmonte na zero casualty ang Quezon City matapos makatikim ng bagsik ni Bagyong Ulysses ang Metro Manila.

Ayon kay Belmonte, nakatulong ang ipinatupad na preemptive evacuation sa mga residente na nasa flood prone at low lying areas sa lungsod.

Batay sa pinakahuling datos ng QCDRRMO, abot sa 3,815 na pamilya o katumbas ng 13,018 na katao sa 57 barangay ang apektado ng bagyo.


Nananatili ang mga ito sa may 48 na evacuation centers.

Ininspeksyon ng lady mayor kaninang umaga ang mga flooded areas at evacuation centers kabilang ang Bagong Silangan at ang Filinvest.

Magde-deploy rin ang QC-LGU ng 222 na health workers sa mga evacuation centers upang i-monitor ang mga evacuees sa loob ng dalawang linggo upang tiyakin na walang mangyayaring COVID infections.

Facebook Comments