Mapayapang halalan, Inaasahan ng Quezon, Isabela!

77

Quezon, Isabela – Inaasahan na maging mapayapa ang bayan ng Quezon, Isabela sa nalalapit na 2019 Midterm Elections.

Ito ang ipinahayag ni Pcapt. Fresiel A. Dela Cruz, Hepe ng PNP Quezon sa eksklusibong panayam ng 98.5 RMN Cauayan sa kanya sa programang Sentro Serbisyo.

Aniya, malaki ang kanyang paniniwala na maging ligtas ang mangyayaring halalan sa Mayo.


Ayon pa kay Pcapt. Dela Cruz, naisama sa pinakamapayapang lugar ang nasabing bayan sa datos ng COMELEC.

Kaugnay nito, patuloy pa rin ang kanilang isinasagawang mga symposium sa mga barangay upang magbigay -aral sa mga mamamayan hinggil sa epekto ng iligal na droga.

Target na rin na maideklara bilang Drug Cleared Municipality ang bayan ng Quezon sa buwan ng Hulyo ngayong taong kasalukuyan.

Facebook Comments