Quezon PNP, walang naitalang casualties sa lalawigan sa pananalasa ng Bagyong Rolly

Iniulat ng Philippine National Police (PNP) Quezon na wala silang naitalang nasawi o sugatan sa pananalasa ng Bagyong Rolly sa lalawigan ng Quezon.

Ayon kay Quezon Police Provincial Director Police Colonel Audie Madrideo, 36-oras bago manalasa ang Bagyong Rolly ay nakahanda na ang PNP Quezon at local Disaster Response and Risk Reduction and Management Councils.

Aniya, nagdeploy na agad sila ng 244 na mga pulis sa mga mababang area at sa mga coastal areas kasama ang Reactionary Standby Support Force na isa sa dahilan zero casualty.


Sa pamamagitan ng kanilang Oplan Bandillo, nabigyan ng warning ang mga nakatira sa mga mababang area at mga coastal areas na lumikas na.

Sinabi pa ni Madrideo na alas-8:00 ng umaga palang noong Lunes matapos manalasa ang Bagyong Rolly ay na-clear na at nadadaanan na agad ang mga kalsada at mga tulay sa lalawigan ng Quezon.

Batay pa sa ulat ni Madrideo, nakapatala sila ng 21,375 families o mahigit 82,000 indibidwal na lumikas, 8 sea vessels ang nagkansela ng byahe at 28 munisipyo ang nawalan ng kuryente.

Facebook Comments