Manila, Philippines – Nilinaw ng NCRPO na walangkinalaman sa nangyaring pagsabog noong April 28 ang kambal na pagsabog nanaganap ulit sa Quiapo kagabi.
Una rito, sinabi ng pulisya na posibleng gang war angsanhi ng pagsabog noong isang buwan na nataon pa sa kasagsagan ng ASEAN Summit.
Pero sa pagsabog kagabi, isang abogado na sinasabingposibleng ‘target’ ng Quiapo blasts ang isinailalim sa interogasyon.
Kinilala ito na si Nasser Abinal, isang Imam o lider ng ShiaMuslim Community sa lugar.
Ayon sa kamag-anak ng isang nasugatan sa insidente,matagal nang nakatatanggap ng death threat si Abinal.
Kwento kasi ng ilang residente, bago ang pagsabog isanglalaking naka-motorsiklo ang nagdeliver ng package kay Abinal kung saan ilangminuto matapos buksan ay bigla na lang itong sumabog.
Itinanggi naman ni Abinal na mayroon siyang kaalitan.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ngpulisya para matukoy ang totoong dahilan ng mga pagsabog.
Quiapo blasts – walang kinalaman sa terorismo ayon sa PNP
Facebook Comments