Quiapo Church, ginawang COVID-19 vaccination site

Nagsimula na rin ang bakunahan kontra COVID-19 sa harap ng Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church sa Manila kahapon, March 11.

Ito ay bahagi ng ika-apat na yugto ng Bayanihan, Bakunahan na layong mabakunahan ang mas marami pang indibidwal.

Pinangunahan nina Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Romando Artes at Department of Health-National Capital Region (DOH-NCR) Director Gloria Balboa ang naturang vaccination drive na sinamantala naman ng mga deboto ng simbahan dahil nataon na araw ng Biyernes o Quiapo Day.


Bukas ang bakunahan para sa lahat, maliban sa mga edad 5 hanggang 11-taong gulang.

Nasa 500 katao ang target na mabakunahan kada ng araw.

Facebook Comments