Quiboloy at Guo, magkakalayo ng piitan sa PNP Custodial Facility

Magkakalayo at hindi nagkakakitaan ang mga detainees na nakapiit sa PNP custodial facility.

Ito ang sinabi ni Philippine National Police-Public Information Officer (PNP-PIO) Chief PCol. Jean Fajardo upang matiyak ang seguridad ng bawat high profile inmates na nasa kanilang kustodiya.

Sa katunayan ani Fajardo, tig-iisa silang selda, hiwalay ang babae sa lalake at sa tuwing pinalalabas sila para magpahangin at magpa-araw ay hindi parin sila nagkikita-kita.


Malayo rin aniya sina Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Apollo Quiboloy at dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa mga teroristang nakapiit sa PNP custodial facility tulad ni Abu Sayyaf sub-leader, Abduljihad Susukan.

Paliwanag ni Fajardo, nagkaroon na ng security adjustment sa custodial facility simula noong ma hostage si dating Senadora Leila de Lima ng ASG member sa loob mismo ng kanyang selda noong 2022.

Facebook Comments