Quiboloy, bantay-sarado ng pulisya sa Philippine Heart Center

Restricted pa rin ang galaw ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Apollo Quiboloy sa Philippine Heart Center (PHC).

Ito ay makaraang isugod si Quiboloy sa Philippine Heart Center noong Biyernes dahil umano sa paninikip ng dibdib at irregular heartbeat.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) PIO Chief PBGen. Jean Fajardo, bantay-sarado ng pulisya si Quiboloy.


Mahigpit din nilang mino-monitor ang medical exam ng pastor kung saan ilan sa mga ito ay natapos na at hinihintay na lamang ang resulta.

Paliwanag ni Fajardo na sa isang regular na kwarto si Quiboloy at heavily-guarded.

Limitado lamang din ang dalaw nito kung saan ang sinumang bibisita kay Quiboloy ay kinakailangang dumaan sa legal process at makakuha ng permiso mula sa korte.

Facebook Comments