Quiboloy, mananatili sa kustodiya ng PNP

Mananatili sa Philippine National Police (PNP) Custodial Facility sa Camp Crame si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Founder Apollo Quiboloy.

Habang sa Pasig City Jail naman dadalhin ang apat na iba pang akusado nito na sina Jackielyn Roy, Cresente Canada, Ingrid Canada, at Sylvia Cemañes alinsunod na sa kautusan ng Pasig Regional Trial Court (RTC) Branch 159.

Ito’y kasunod na rin ng arraignment kaninang umaga, at matapos maghain ng not guilty plea sa kasong qualified human trafficking ang mga akusado.


Sa impormasyon mula kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Spokesperson, JCInsp. Jayrex Bustinera, walang security risk sa apat na co-accused ni Quiboloy kaya sila ililipat sa Pasig City Jail.

Mamayang hapon naman babasahan ng sakdal sina Quiboloy at apat na iba pa sa Quezon City RTC Branch 106 para sa kasong Child at Sexual Abuse via video conference.

Anumang sandali ay magsasagawa ng press conference si Philippine National Police-Public Information Office (PNP-PIO) Chief PCol. Jean Fajardo upang magbigay ng karagdagang impormasyon sa nangyaring arraignment kanina sa Pasig RTC.

Facebook Comments