Manila, Philippines – Hinihiling ng Department of Education (DepEd) na maibalik sa kanila ang Quick Response Fund (QRF) para mapabilis ang pagtugon sa pagsasaayos ng mga school buildings na nasira bunsod ng bagyo.
Ito ayon kay Annabelle Pangan, Engineer V, ng DepEd Educational Facilities Division, ay dahil nasa National Disaster Risk and Reduction Management Council ang pondo ngayong 2017.
Ayon kay Pangan, kung nasa kanila ang QRF, mas mabilis matutugunan ang pangangailangan ng mga paaralan para mas mabilis ring maibalik sa normal ang mga maaabalang klase.
Kaugnay nito, ayon kay Pangan, para sa propose budget ng DepEd sa 2018, hiniling nilang maitaas sa 2 billion pesos ang pondo ng ahensya para sa Quick Response Fund.
Habang nasa 1 billion piso naman ang hiniling nila para sa pagre-restore ng mga gabaldon buildings sa buong bansa.