Quick subtitution list sa COVID-19 vaccination, kinumpirma ng Malacañang

Kinumpirma ng Malacañang na mayroong quick substitution list sa COVID-19 vaccination program ng gobyerno.

Layunin ng quick substitution list na matiyak na walang masasayang na bakuna.

Pero ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, wala siyang ideya kung paano at kung sino lamang ang pwede isama sa naturang listahan.


Gayumpaman, importante aniya ang quick substitution list dahil nilalaman nito ang pangalan ng mga tao na tatanggap ng mga bakuna sakaling tumanggi ang mga healthcare workers na magpabakuna.

Ang pahayag ng Palasyo ay kasunod ng pagpapahintulot ng Parañaque City Government na isalang sa vaccination ang aktor na si Mark Anthony Fernandez.

Facebook Comments