Manila, Philippines – Pinasinayaan ngayong umaga ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang pinagandang Quinta Market sa Quiapo Maynila.
Ang muling pagbuhay sa Quinta Market ay ang sentro ng Public Market Rehabilitation Program ng Manila City Government.
Katuwang ang private sector sa pagsasa-ayos ng mga pampublikong pamilihan sa lungsod ng hindi gumagastos ang lokal na pamahalaang ng kahit singko.
Ibang iba na ngayong ang itsura ng bagong Quinta Market dahil mayroon na ngayong eleganteng comfort rooms, food court, fast food restaurants, security cameras, parking area at maging libreng wifi connection.
Naglagay din ang pamahalaang lungsod ng fishport sa katabing Pasig river para mas maging malago ang fish trade sa Quinta Market.
Lahat ng mga lehitimong tindera sa Quinta bago ito isaayos ay muling makukuha ang kanilang mga pwesto.
Ito ay sa kabila ng mga reklamo ng ilang mga vendors na palakasan system ang muling pagkuha ng kanilang mga pwesto.
Nation