QUIRELCO, NAGLUNSAD NG MAKASAYSAYANG SWITCH-ON CEREMONY

Cauayan City – Matagumpay na isinagawa ng Quirino Electric Cooperative (QUIRELCO) ang Switch-On Ceremony para sa 24 sitios na benepisyaryo ng 2023 Sitio Electrification Program (SEP)

Pinangunahan ang seremonya ni Hon. Jerry T. Agsalda, Ama ng Distrito ng Aglipay, kasama si Hon. Alegre Ylanan bilang kinatawan ni Governor Dakila Carlo E. Cua.

Tampok sa programa ang mga pagtatanghal ng mga bata, Information Education Campaign (IEC) tungkol sa tamang paggamit ng kuryente, at pagbibigay ng regalo mula sa QUIRELCO bilang bahagi ng selebrasyon ng Pasko.


Ang SEP ay layong maabot ang total electrification ng bansa pagsapit ng 2028, sa pamamagitan ng libreng kuntador, house wiring materials, at labor para sa electrical installation.

Bukod dito, kabilang ang PES sa Adapt A School Program ng QUIRELCO, na nagbibigay ng libreng gamit sa paaralan at feeding program para sa mga mag-aaral.

Facebook Comments