Quirino 1st Tokhang Responder Summit, Isinagawa!

*Cauayan City, Isabela- *Matagumpay na naidaos ang kauna-unahang ‘Tokhang Responders Summit’ sa lalawigan ng Quirino kasabay ng pagdeklara ng ilang bayan bilang drug cleared na isinagawa sa Provincial Capitol Gym sa Cabarroguis, Quirino, kahapon.

Dinaluhan ito ng mga drug responder, lokal na opisyal, PDEA, DSWD, PNP at iba pang ahensya ng pamahalaan para sa maigting na kampanya kontra illegal na droga.

Kasabay nito ay idineklara na bilang Municipal drug cleared ang bayan ng Aglipay at Maddela.


Ayon kay Police Regional Office 2 Police Brigadier General Jose Mario Espino, isasalalim sa Search and Rescue training ang mga Tokhang Responders upang makatulong ang mga ito sa kanilang mga lugar sa panahon ng kalamidad.

Nangako naman si Gov. Dakila Carlo E. Cua sa pamamagitan ng kanilang programang Q-Life ay magbibigay siya ng livelihood packages sa mga tokhang responders para sa kanilang pagbabagong buhay at di na umano bumalik sa pagbebenta at paggamit sa ipinagbabawal na gamot.

Facebook Comments