Ramdam ngayon ng mga motorista na pumapasok at lumalabas sa Cotabato City ang bigat ng trapiko, itoy matapos pansamantalang isara sa motorista ang Quirino Bridge at tanging ang Delta Bridge lamang ngayon ang nadadaanan ng mga vehicles, mapa private man, pampubliko at malalaking vehicles kabilang na ang mga 10 wheeler truck, at bus.
Sinasabing layun ng 3 araw na pagsara ng Quirino Bridge ay bunsod pa rin sa nakatakdang rehabilitasyon ng tulay, base na rin sa impormasyong nakuha ng DXMY mula sa DPWH Office at Traffic Management Unit.
Bagaman may mga nakadeploy na mga traffic enforcers sa mga bahagi ng Sultan Kudarat at Cotabato City di pa rin naiwasan ang bumper to bumper na traffic sa unang araw ng implementasyon.
Patuloy naman ang apela ni City TMU Chief CINS Rowell Zafra sa lahat na magkaroon ng disiplina sa kalsada at sumunod sa batas trapiko para na rin sa kaginhawaan ng lahat habang bumabyahe.
Samantala, maliban sa 3 days closure, inaasahang magtatagal pa ang kalbaryo ng mga motorista sakaling pasisimulan na ang konstraksyon ng tulay.
FB Pic