Quirino Province, Kinilala bilang ‘Most Competitive Province’ sa Bansa

Cauayan City, Isabela- Humakot ng pagkilala sa ginanap na 2020 Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI) Survey ang lalawigan ng Quirino matapos hirangin bilang 14 Most Competitive Province sa buong bansa.

Wagi rin ang LGU Saguday matapos makamit ang 14th Overall Most Competitive LGU, 5th Most Competitive LGU under Government Efficiency Pillar at 14th Most Competitive LGU under Resilience Pillar.

Maliban dito, naiuwi rin ng bayan ng Cabarrouguis ang 16th overall Most Competitive LGU sa bansa.


Tanging ang lalawigan ng Quirino sa buong rehiyon dos at bayan ng Saguday at Cabarrouguis mula sa pitong (7) munisipalidad sa lambak ng Cagayan ang nanguna sa nasabing parangal.

Ang Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI) ay taunang pagkilala sa Philippine cities and municipalities na pinangunahan ng National Competitiveness Council at DTI sa pamamagitan ng Regional Competitiveness Committees (RCCs).

Paraan ito upang masukat ang performance sa apat na pillar na pawang Economic Dynamism, Government Efficiency, Infrastructure at Resiliency.

Nasa kabuuang 1,518 ang mga LGU na lumahok sa aktibidad sa buong bansa.

Facebook Comments