Cauayan City, Isabela- Nakiisa sa selebrasyon ng ‘Arbor Day’ o Tree Planting ang nasa 132 barangays sa probinsya ng Quirino bilang bahagi ng World Environment Month
Ayon kay Forester Estrella “Star” Pasion, OIC-PENRO, bawat barangay sa lalawigan ay kinakailangan na magtanim ng 100 native trees o ornamental plants upang mapanatili ang ganda ng ecosystem sa probinsya.
Kaugnay nito, nakiisa rin si Governor Dakila Carlo E. Cua na magtanim ng punong kahoy sa palibot ng capitol compound at Saguday Ecopark gayundin ang paghikayat naman nito sa kanyang mga kababayan na makilahok rin sa aktibidad hindi para sa kasalukuyan kundi sa mga susunod na henerasyon.
Dagdag pa dito, layon ng pagtatanim ng 1-million trees ay ang 50th Founding Anniversary ng probinsya upang ibalik sa Inang Kalikasan ang pangangalaga sa kapaligiran.